-- Advertisements --

Nakahanda na ang Philippine General Hospital (PGH), ang pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa bansa, hinggil sa posibleng maranasang surge sa infections dahil sa banta ng Omicron variant.

Ayon kay PGH spokesperson Jonas Del Rosario, handa ang state-run hospital na i-convert ang kanilang non-COVID-19 wards para makapagtanggap ng COVID-19 patients sa oras na muling tumaas ang bilang ng mga maitatalang kaso.

Medyo sanay na rin aniya sila sa mga posibleng pagbabago na kailangan nilang gawin dahil na rin sa mga naging karanasan sa mga nakalipas na buwan nang magkaroon din ng surge ng mga COVID-19 infections.

Gayunman, pinapaalalahanan ni Del Rosario ang publiko na huwag magpakampante kahit pa bumababa na ang mga naitatalang COVID-19 cases sa mga nakalipas na linggo.