-- Advertisements --
Pinangangambahan ng Philippine General Hospital (PGH) na karamihan sa kanilang “skilled” healthcare professional ay mag-alisan sa mga susunod na buwan para magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Rosario, ito’y dahil nagbukas na ang maraming bansa ng oportunidad para sa health professionals, mula nang bumaba ang COVID cases.
Giit pa ni del Rosario na marami siyang natatanggap na resignation at karamihan dito ay mula sa “skilled” na tauhan.
Patuloy namang nagre-recruit ang mga state-owned hospital gayundin ang kagustuhan nito na makapagsanay ng mga nurse na may kaunti o walang propesyonal na karanasan.