-- Advertisements --

Kulang pa rin sa ngayon ang manpower sa Philippine General Hospital (PGH) kumpara sa bilang ng mga inaalagaan nilang pasiyente.

Sinabi ito ni PGH spokesperson Jonas Del Rosario kahit bumababa na rin naman ang bilang ng mga COVID-19 patients sa kanilang pangangalaga.

Sa ngayon kasi, mas marami na ang non-COVID-19 patients na inaatupag ng ospital.

Sa kanyang tantiya, aabot sa 4:1 ang ratio ng pasyente at health workers na mayroon sila sa PGH matapos na buksan ulit nila kamakailan ang kanilang non-COVID-19 wards.

Agosto nang madesisyon ang pamunuan ng ospital na itigil muna ang pagtanggap ng mga non-COVID-19 patients dahil sa surge ng COVID-19 cases.

Sa ngayon, 35 percent ng 300 beds ng PGH na nakalaan para sa COVID-19 patients ang okupado, habang 75 percent naman ng mga kama sa intensive care units ang ginagamit.

Iginiit ni Del Rosario na ito na ang pinakamababang bilang mula nang magkaroon ng surge ng mga kaso sa nakalipas na mga buwan.