-- Advertisements --
Frontliners

Mula sa 74 percent ay tumaas na sa 94.1 percent ang mga empleyado at medical health care workers ng Philippine General Hospital (PGH) na handa nang magpabuka ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Ayon kay PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, ito ay katumbas ng 6,316 na personnel ng PGH.

Sinabi ni Dr. Legaspi na kaya nilang makapagbakuna ng 1,170 na indibidwal kada araw kapag ang laman ng isang vial ay anim na doses.

Kapag ang laman naman aniya ang vial ay limang doses, kaya nilang magbakuna ng 975 individuals kada araw.

Aminado naman si Dr. Legaspi na malaking hamon sa kanila ang supply ng syringe na gagamitin sa bakuna.

Ayon kay Dr. Legaspi, lumalabas din sa kanilang simulation exercises na malaking oras ang gagamitin sa screening dahil sa maraming impormasyon ang kailanganing  kunin sa pasyente kabilang na ang pagkuha ng blodd pressure.

Magiging hamon din aniya sa kanila ang magiging paghandle sa media na magko-cover sa vaccination program.

Tiniyak din ng pamunuan ng PGH na may nakuha na silang contractor na magha-handle sa mga hospital waste o basura mula sa gagawing pagbabakuna.