Tiniyak ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara na may sapat na pondong ilalaan sa Philippine General Hospital (PGH) para sa mas malawak na pagtugon sa mga kaso ng COVID-19.
Sentro ng tulong dito ang mga mahihirap na walang kakayahang magbayad sa mga dekalidad na ospital.
Pero para sa mga nagtatanong kung saan napunta ang alokasyon para sa PGH, sinabi ni Angara na nasa ilalim ito ng University of the Philippines System.
Aabot aniya sa P1.54 billion ang additional fund dito na nagmula sa P4.5 trillion 2021 national budget.
Maliban dito, naglaan din umano para sa East Avenue Medical Center (EAMC) ng P37 million para sa pagbuo ng molecular diagnostic laboratory.
Habang may P124 million naman para sa pagbili ng laboratory network commodities.