Sinimulan na raw ng kompanyang Pfizer ang pilot program nito sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa ilang estado sa Amerika.
Ayon sa kompanya, iikot ang pilot program ng COVID-19 immunization sa mga estado ng Rhode Island, Texas, New Mexico at Tennesse.
“The four states included in this pilot program will not receive vaccine doses earlier than other states by virtue of this pilot, nor will they receive any differential consideration,” ayon sa statement.
Napili raw ng Pfizer ang apat na estado matapos nilang suriin ang dami at lawak ng populasyon ng mga ito. Pati na ang immunization infrastructure at pangangailangang maabot ang mga indibidwal sa iba’t-ibang lugar.
Noong nakaraang linggo nang ianunsyo ng kompanya na 90% effective ang bakunang gawa nila ng German company na BioNTech.
Agad namang naglabas ng report ang isa pang US pharmaceutical company na Moderna, na nagsabing 95% na epektibo ang kanilang bakuna laban sa coronavirus.(Reuters)