-- Advertisements --
Nakatuon ang Philippine Football Federation (PFF) na magkamit ng gintong medalya sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.
Ayon kay PFF President John Gutierrez, na naghahanda na ang men’s at womens’ team sa nasabing torneo.
Bago kasi ang SEA Games ay magaganap ang ASEAN MSIG Serenity Cup 2025 na siyang magsisilbi sa Filipinas na bilang defending champion ay maging bahagi ng kanilang paghahanda.
Naniniwala din nito na maglalagay ng full line up ang Filipinas na sasabak sa nasabing torneo.
Pinasalamatan din nito ang Philippine Sports Commission dahil sa suporta na ibinibigay sa kanila.