-- Advertisements --

Magpapadala ang North Korea ng mahigit na 100 atleta para sumbak sa Asian Games na gaganapin sa Japan sa susunod na buwan.

Lalahukan ng mga North Korean athletes ang nasa 14 sporting event.

Kinabibilangan ito ng mga events ng men’s at women’s football,weightlifting,boxin at wrestling.

Noon kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 ay hindi lumahok ang North Korea sa nasabing international sporting competitions.

Bumalik lamang sila noong 2023 Asian Games na ginanap ito sa China ganun din sa Paris Olympics.

Sa 2023 Asian Games ay nakapag-uwi sila ng 11 gold medals sa weightlifting.