Inatasan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mga kompaniya mula sa Information technology-business process outsourcing (IT-BPO) na nagooperate sa special economc zones na sumunod sa direktiba ng pamahalaan na bumalik sa on-site work para maiwasan ang penalties.
Sa isang statement, sinabi ni PEZA Director General Charito Plaza na ang invwestment promotion agency;s locators ay kailangan sumunod sa desisyon ng Fiscal Incentives Review Board sa pagpataw ng multa alinsunod sa batas.
Batay sa Section 2, Rule 22 ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law, nakasaad na ang anumang paglabag sa probisyon ng batas kabilang na ang iba pang related revenue regulations , kautusan o inisyu ng pamahalaan ay magrersulta sa revocation o suspension ng incentives o pagsasara ng negosyo ng rehistradong business enterprises.
Nauna rito, tumangg ang FIRB na palawigin pa ang remote work arrangements hanggang sa katapusan ng Marso at kailangan ng bumalik ng mga empleyado sa on-site duties simula sa Abril 1.
Subalit ayon naman sa Department of finance ang parent agency ng FIRB na ang mga IT-BPO companies sa econmic zones ay maaaring pumili na manatili sa work from home set up dahil mayroon silang kalayaan para madetermina ang kanilang wroking arrangements subalit maaaring mawal ang kanilang tax incentives gaya ng income tax holidays at 55 tax sa gross income earned.
Nagpahay din ang Alliance of call center Workers noong nakalipas na linggo na ilang empleyado ng IT-BPO sector ang ikinokonsiderang umalis sa kanilang trabaho matapos na ipag-utos ng pamahalaan ang pagbabalik a on-site works simula sa susunod na buwan.