Umapela ang isang grupo ng oversease Filipino workers (OFWs) sa International Court of Justie na maghain ng petisyon laban sa travel ng ban ng Pilipinas sa Hong Kong sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa isang panayam, sinabi ng isa sa signatory sa naturang petisyon na si Joms Ortega na hinihiling nila sa pamahalaan na huwag isama ang mga OFWs at residente sa ban sa pagbiyahe patungong Hong Kong.

-- Advertisement --

Pagkatapos na maihain ang petisyon, sinabi ni Ortega na nagsimulang magkaroon ng magandang dayalogo ang kanilang grupo sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ng Pilipinas.

Bagama’t wala naman aniyang ipinangako sa kanila ang IATF, sinabi ni Ortega na tiniyak naman sa kanila na tatalakayin nila apela nilang ito.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan aniya sila sa Overseas Workers Welfare Administration at tiniyak dito ang kanilang suporta sa ahensya para sa buong proseso ng kanilang request.