Nakahanda umanong sagutin ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos ang inihaing petisyon sa Commission on Elections (Comelec) ng isang grupo para ipakansela ang kanyang kandidatura.
Ayon sa abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, sasagutin nila ang umano’y “predictable nuisance petition” sa tamang oras at forum matapos matanggapap ang kopya ng petisyon.
Tumanggi nang magkomento pa si Rodriguez sa umano’y isa na namang propaganda at gutter politics at naka-focus ang kanilang kampanya sa nation building.
Kung maalala, kahapon nang magsampa ng petisyon ang mga grupong binubuo ng mga political detainees, human rights at medical organization.
Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat na tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno
si Marcos matapos na hatulan siya ng Quezon City Regional Trial Court noong 1995 dahil sa
bigo itong maghain ng income tax returns.
Sa desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Oktubre 31, 1997, nakasaad ditong bigong makapaghain si Marcos ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985.
Pero inalis ng CA ang parusang pagkakakulong sa dating senador at pinagmulta na lamang ito at inatasang bayaran ang kanyang buwis.