-- Advertisements --

NEVADA, USA – Agad ibinasura ng US Supreme Court ang petisyon ng isang simbahan sa Nevada na kumukontra sa pinapayagang dumalo sa church services.

Sa harap ito ng nararanasang COVID-19 pandemic, na kumitil na sa buhay ng halos 150,000 katao doon, habang infected naman ang nasa 4.2 million.

Nais sanang ipadeklara ng simbahan na unconstitutional ang patakaran ng estado na 50 porsyento lamang ang pahihintulutang makadalo ng misa at iba pang aktibidad.

Giit ng petitioner, hindi maitutulad ang church activities sa mga casino, gym at restaurant na una nang pinagbawalang mag-operate.

Una nang nagdesisyon ang lower court na ibasura ang hirit ng simbahan at agad rin itong sinusugan ng US Supreme Court. (CNN)