-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Umaasa ang mga operators at drivers ng jeep sa Baguio City na tutugunan ng Korte Suprema sa pinaka-madaling panahon ang inihain nilang petisyon laban sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Pat Evangelista, presidente ng pederasyon ng mga operator at driver ng jeep sa lungsod, hanggang ngayon daw ay wala pang pasya ang Korte sa inihain nilang petition for injunction.

Iginiit niyang hindi handa ang transport sector sa Baguio para naturang programa.

Ipinaliwanag niyang walang kakayahan ang mga simpleng driver at operator na gawing bago ang unit ng kanilang jeep.

Sa kabila nito, aminado si Evangelista na wala silang magagawa kundi sumunod sa programa kung ibabasura ng Korte ang inihain nilang petisyon.