Gumagaan na ang daan ni Nesthy Petecio para makasabak sa 2024 Paris Olympics.
Ito ay matapos na mapatumba sa unang round si Andela Brandkovic ng Serbia par asa womens’ 57 kgs.
division ng 1st World Qualification Tournament na ginanap sa Italy.
Sa simula ng laban ay pinaulanan ng 31-anyos na si Petecio ang kalabang boksingero kaya ito kaniyang napatumba sa loob ng 62 segundo.
Ang Tokyo silver medalist ay kailangan munang manalo sa apat nitong laban at makaabot sa final round dahil tanging dalawang finalists lamang ang tiyak na makakapasok sa Paris Olympics.
Bukod kasi kay Petecio ay mayroong siyam pa na Pinoy boxers ang sasabak sa qualifiers na kinabibilanganan nina Carlo Paalam, Rogen Ladon, Mark Fajardo, Ronald Chavez, John Marvin, Aira Villegas, Claudine Veloso, Riza Pasuit, at Hergie Bacyadan.