-- Advertisements --

Labis na ikinatuwa ni Pete Buttigieg ang pagkakakumpirma sa kaniya ng U.S. Senate bilang pinuno ng Transportation Department ng Estados Unidos.

Si Buttigieg ang kauna-unahang openly gay U.S. Cabinet secretary na kinumpirma ng mga mambabatas.

Minsan nang naging katunggali ni U.S. President Joe Biden sa 2020 Democratic presidential nomination ang dating alkade ng South Bend, Indiana.

Pangangasiwaan ni Buttigieg ang aviation, highways, vehicles, pipelines, at transit sa Amerika. Gayundin ang mga hakbang upang tiyakin na magiging ligtas ang transportasyon ng publiko sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Malaki rin ang magiging papel nito sa White para paigtingin pa ang infrastructure spending.

Ayon kay Senator Maria Cantwell, tamang-tama ang posisyon na ibinigay ni Biden kay Buttigieg dahil naiintdihan umano nito ang kahalagahan ng mga hindi natatapos na infrastructure projects sa Amerika.

Haharapin ni Buttigieg ang kabi-kabilang kwestyon kung paano nito babantayan ang paggamit ng U.S. government sa mga drones, self-driving cars at iba pang advanced technologies.

Kailangan ding siguruhin ni Buttigieg ang kaligtasan ng aviation industry matapos ang magkasunod na pagbagsak ng Boeing 737 MAX noong nagdaang mga taon.