-- Advertisements --

Nagkaroon ng unang babae na pangulo ang Peru matapos ma-impeach ang dating presidente na si Pedro Castillo – ilang oras matapos niyang subukang buwagin ang parliament.

Si Dina Boluarte – dating bise-presidente – ay nanumpa pagkatapos ng isang dramatikong araw sa Lima, Peru.

Nauna nang inihayag ni Castillo na papalitan niya ang Kongreso ng isang “pambihirang emergency government”.

Ngunit hindi ito pinansin ng mga mambabatas, at sa isang emergency meetingay na-impeach siya.

Pagkatapos ay ikinulong at inakusahan ng rebelyon.

Sinasabing patungo sana siya sa Mexican embassy sa kabisera nang siya ay arestuhin.

Pamahalaan naman ni Boluarte, 60-years old na abogado ang Peru hanggang Hulyo 2026, kung saan matatapos na ang pagkapangulo ni Mr Castillo.

Matapos manumpa sa panunungkulan, nanawagan si Boluarte sa kaniyang mga kasamahan na tigilan na ang pamumulitika nang malutas ang krisis na kinaharap ng kanilang bansa.