Inihayag na ng Department of Health sa Central Visayas (DOH – 7) na mayroon na ngayong 15 persons under investigation (PUI) sa rehiyon – 3 sa Negros Oriental, 1 sa Bohol, at 11 sa Cebu.

Bukod dito, pinalawak din ng Bureau of Quarantine sa Central Visayas (BOQ – 7) ang saklaw ng mandatory declaration ng health checklist sa lahat ng mga flight na darating sa Mactan Cebu International Airport.

Una itong ipinatupad para sa mga flight na nagmula sa China.

Samantala, inilagay na ng Cebu Provincial Board ang buong lalawigan ng Cebu sa ilalim ng State of Preparedness alinsunod sa mga hakbang na isinagawa laban sa 2019-novel coronavirus Acute Respiratory Disease(2019-ncoV ARD).