-- Advertisements --

Lomobo pa umano ang ipinapadalang personal remittances mula sa mga overseas Filipinos (OFs) ng 3.8 percent year-on-year sa nakalipas na buwan ng Abril.

Ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) umaabot na sa US$2.671 billion noong April nitong taon ang remittances mula sa dating US$2.574 billion na nai-record sa kaparehong buwan noong taon.

Ang pagtaas ng mga ipinapadalang mga personal remittances noong April ay mula sa mga land-based workers na umangat sa 4.7 percent o nasa US$2.022 billion mula sa dating US$1.931 billion sa parehong buwan noong 2021.

Ang mga sea-and land-based workers naman na may contract na less than one year o higit pa ay tumaas din sa 1.4 percent o katumbas ng US$581 million.

Pinakamarami pa rin sa mga cash remittances ng mga OFW ay mula sa United States (US), Saudi Arabia, Japan, Taiwan, at Singapore sa pagitan ng January hanggang April 2022.