CAUAYAN CITY- Pinag-aaralan ngayon ng NIA-MARIIS ang paglalagay ng permanenteng placard o signages sa mga irrigation canal, upang maiwasan ng mga mamamayan na maligo .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eng’r. Gileu Dimoloy, Acting Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na matagal na nilang ginagawa ang pagbibigay ng babala sa mga residente na ipinagbabawal ang paliligo sa mga irrigation canal, subalit ngayon ay pinag-aaralan na ang paglalagay ng signages bilang babala sa publiko.
Aniya, maliban pa ito sa pakikipag-ugnayan sa mga punong barangay para sa pagpapatrolya at pagbibigay babala sa kani- kanilang nasasakupan.
Posible ring palagyan ng bakod ng NIA-MARIIS ang mga area na madalas tinutungo ng mga tao pangunahin sa mga drip irrigation dahil sa malinis na tubig.