Pinagiisipan na ng Office Civil Defense (OCD) na magsagawa ng mga relocation para sa mga pamilyang naninirahan pa rin sa active fault line sa Cebu.
Sa isang panayam, inihayag ni OCD Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Harold Cabreros na matatagalan pa ang mga planong ito dahil kakailangin aniya ito ng malaking pondo at budget bago pa man ito maisakatuparan.
Ani Cabreros, pansamantala muna silang nagtatayo ng mga temporary shelters upang pansamantalang mabigyang ng matitirhan ang mga pamilyang apektado ng insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang mga rapid analysis teams mula sa kanilang ahensya upang alamin kung ilang mga pamilya at indibidwal ang nakatira sa active fault line upang matiyak na magiging ligtas ang mga ito.
Samantala, kinumpirma naman ni Cabreros na marami na ring residente ang lumikas na siyang naninirahan malapit sa naturang fault line habang ang iba naman ay naiwan upang bantayan ang kanilang mga tahanan.
Patnubay naman ni Cabreros sa mga residente, lumayo muna sa mga aktibong fault lines sa lalawigan lalo pa’t nagpapatuloy pa arin ang mga nararamdamang aftershocks sa probinsiya.