cauayan isabela
-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inside job ang tinitignang anggulo ng mga kasapi ng Cauayan City PBP sa naganap na panghoholdap sa isang pawnshop na nasa tabi ng pribadong pamilihan dakong alas-12:00 ng tanghali.

Lulan umano ng motorsiklo ang nag-iisang holdaper na nambiktima sa Galaxy Pawnshop sa Barangay San Fermin sa Cauayan City.

Patuloy ang ginawang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station at hindi pa matukoy kung ilan ang perang natangay ng suspek.

Bukod sa pera ay tinangay din ng suspek ang mga alahas sa naturang pawnshop.

Sa inisyal na pakikipag-ugnayan din ng Bombo Radyo Cauayan sa mga pulis ay tinitignan sa ngayon ang posibilidad na mayroon nangyaring inside job.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa naturang insidente.