-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil ng Pentagon ang pagdeliver ng mga F-35 fighter jets na gawa ng Lockheed Martin Corps.
Kasunod ito sa pagkakadiskubre nila na ang ilang mga piyesa nito ay gawa mula sa China.
Isa umanong paglabag sa federal defense acquisition rules ang nasabing pagkakaroon ng mga piyesa ng stealth fighter jet mula sa China.
Sinabi ni Defense Department spokesperson Russ Goemaere na maaaring masira ang integridad ng eroplano at manganganib umano ang seguridad at fligth operation ng nasabing F-35.
Nakahanap na umano ang kumpanyang Lockheed Martin na pagkukuhanan nila ng mga materyales.
Ang F-35 jets kasi ay isa sa tinaguriang most-advanced fighter jets kung saan mayroong ilang daan nito ang US.