-- Advertisements --
Inamin ng Pentagon na nagpadala ito ng anti-radar missiles para sa Ukrainian aircraft target ang Russian radar systems gaya ng S-400.
Ayon kay Colin Kahl, undersecretary ng defense for policy, nagpadala ang US ng ilang missiles na isang AGM-88 High-Speed Anti-Radiation Missile (HARM).
Base sa US Air Force, isa ito sa longer-range weapons na ibinigay ng US sa Ukraine.
Kaya ding matarget ng missiles na ito ang Russian counter-battery radars na ginagamit ng Russia para matarget ang artillery mula sa Ukraine.
Bagamat hindi naman ito kinukumpirma sa publiko ng Ukrainian forces.