-- Advertisements --

NAGA CITY – Umuwing may ngiti sa mga labi ang libo-libong nagsipagpanood sa taunang Handog Pasasalamat ng Bombo Radyo at Star FM sa Penafrancia Festival 2019, “free concert, free t-shirt” sa Plaza Quezon, Naga City nitong Sabado.

Pasado alas-6:00 ng hapon pagkatapos mismo ng Fluvial Procession, sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng parlor games kung saan sinorpresa ang mga tao ng iba’t-ibang mga papremyo.

Inaliw din ang publiko ng mga nakakatawang performance ng “The Young Ones” at ng mga original songs ng Bicolano Rapper na si Bligs.

Hindi naman nagpahuli sa rock-rakan ang banda ng Philippine Army mula sa 9th Infantry Division at ang mga nakakaindak na live performances ng mga local bands na 27 Signs, Antonios Band, EalyNDamorning at Eggnogz.

Hindi naman naiwasang mamangha ng mga tao sa performance ng banda ni Eugenio Corpus III na kasama sa 12 finalist ng Bombo Music Festival 2020.

Nananatili ang kasiyahan ng mga manunuod hanggang sa matapos ang aktibidad pasado alas-12:00 ng hatinggabi.

Ang Handog Pasasalamat ang taung-taong isinasagawa bilang pakikibahagi ng Bombo Radyo at Star FM sa selebrasyon ng kapistahan ni Nuestra Senora de Peñafrancia.