-- Advertisements --
Posibleng hindi makapaglaro ng hanggang tatlong linggo si New Orleans Pelicans star forward Zion Williamson.
Ito ay matapos na magtamo ng right hamstring strain injury.
Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo nila sa Philadelphi 76ers.
Ayon sa Pelicans na sumailalim na sa MRI si Williamson at pinayuhan ng doctor nito na magpahinga ng ilang linggo.
Ang 2019 number 1 overall draft pick ay mayroong average na 26 points, 7 rebounds, 4.6 assists at 1.1 steals.
Noong nakaraang season ay hindi na siya nakapaglaro matapos operahan sa kaniyang paa.