-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hanggang 10 linggo si New Orleans Pelicans forward Trey Murphy III.

Sumailalim kasi ang nasabing manlalaro sa arthroscopic surgery para sa knai yang meniscus.

Natamo nito ang kaniyang kaliwang tuhod habang ito ay nagsasagawa ng ensayo.

Sa karagdagan niyang meniscectomy ay nabigyan rin siya ng biologic injection para mapigilan ang pamamaga.

Si Murphy ay 2021 first-round draft choice ng Pelicans kung saan mayroong average ito na 14.5 points.