-- Advertisements --
image 81

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga pekeng gamot na nagkalat sa merkdo.

Sa inisyung advisories ng FDA, pinag-iingat ang mga consumer at pharmacies laban sa mga over-the-counter pain relievers at flu medicines lalo na ang pekeng bersyon ng 9 na kilalang brands ng medisina.

Sa ibinahaging larawan ng FDA, halos magkapareho lamang ang peke at tunay na gamot maliban sa ilang discoloration sa pekeng gamot.

Ayon sa FDA, ang lot number , knurling at print appearance ng counterfeit products ay hindi pasok sa standard features ng rehistradong produkto.

Kayat babala ng FDA sa mga establishimento at outlets na huwag magbenta ng mga pekeng gamot.

Maaaring maharap sa pagkakakulong mula anim na taon hanggang 10 taon ang mga lalabag at multang sa P100,000 hanggang P500,000 o pareho para sa manufacture, pagebebenta o distribusyon ng pekeng gamot.