LA UNION – Nakatakdang ihahain ngayon araw ng pulisya at ng Philippine Dental Association ang kaso laban sa dating dental technician na iligal na gumagawa ang pustiso sa Barangay Taboc sa bayan ng San Juan, La Union.
Nakilala ang suspek na si Ronald Castillo, 30-anyos, at residente sa nasabing barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Capt. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan Police Station, sinabi nito na agad nilang sinalakay ang laboratoryo ng suspek matapos magreklamo ang mga kasapi ng Philippine Dental Association.
Natuklasan sa laboratoryo ni Castillo ang mga kagamitan sa paggawa ng pustiso.
Ayon kay Macaraeg, walang certificate of registration at special permit na nagpapahintulot sa suspek sa paggawa nito ng mga pustisto.
Nabatid na dating nagtratrabo sa pagawaan ng pustiso bilang dental tecnician si Castillo sa lalawigan ng Pampanga.
Kasong paglabag sa Anti-illegal Practice of Dentistry ang kakaharaping reklamo ng suspek sa piskalya.