Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ngayon ang isang pedicab driver matapos itong masagaaan ng isang pick up truck sa bahagi ng Brgy. Zone 5, San Roque, Northern Samar.

Kinilala ang biktima na si Eddie Picardal, 43, isang pedicab driver at residente ng naturang barangay.

Samantala kinilala naman ang driver ng Toyota Hilux na si Ernesto Ponferrada, 47, Brgy. Cababtoan, Pambujan, Northern Samar.

Ayon kay S/Sg. Emmanuel Kanen, duty investigator ng San Roque MPS, na tinatahak ng dalawang sasakyang ang parehong daan nang biglang lumiko ang naturang pedicab.

Hindi naman kaagad ito nakita ng driver ng Toyota Hilux kaya’t nagderideritso itong nahatak.

Dahil sa natamo nitong maraming sugat sa katawan ay naging dahilan ng kaniyang agarang pagkakamatay.

Nasa kustodiya naman ng kapulisan ang driver ng Hilux para sa karampatan disposisyon.