-- Advertisements --

Nililinlang ng Panay Electric Company(PECO) ang publiko sa pagsasabing hindi dapat ituloy ang expropriation sa kanilang distribution assets pabor sa More Electric and Power Corp (MEPC) dahil may nakabinbin silang kaso ukol dito na isinampa sa Korte Suprema.

Sa isang statement sinabi ng MEPC, ang kumpanyang binigyan ng pragkisa ng Kongreso na maging solong distribution utility sa Iloilo City, na nanatiling may bisa ang kanilang power of eminent domain kahit pa man may nakabinbin na kaso sa Supreme Court (SC).

Sinabi ng MEPC na walang basehan ang banta ng PECO na magsasampa sila ng kasong contempt laban sa MEPC at kay Iloilo City Regional Trial Court (RTC) Judge Yvette Go kung itutuloy pa rin ang pagkuha sa kanilang assets, giit ng MEPC masyadong nagmamadali ang PECO gayong wala pa namang ruling ang SC sa reklamo at ang tanging development pa lang ay pinagkokomento sila ukol sa reklamo.

“Once again, it would appear that PECO mistakenly presumed that its motion was granted when the SC acted on its motion by requiring MORE and Judge Go to file their comments on the motion,” giit ng MEPC.

Sa desisyon ng Court kof Appeals(CA) ay una na nitong pinagtibay ang power of eminent domain ng MEPC, ang kapangyarihang ito ay kasama umano nang bigyan ng legislative franchise ng Kongreso ang MEPC at nanatili itong balido kahit may nakabinbin na constitutionality issue sa SC.

Binatikos din ng MEPC ang PECO sa hindi nito pagkilala sa CA ruling.

Sa October 3 ruling ng CA sinabi nito na ang Supreme Court ang may exclusive jurisdiction sa kaso ng mga Distribution Utilities sa ilalim ng Republic Act No. 9136 o Electricity Power Industry Reform Act (EPIRA).

Hanggang walang injunction na ipinalalabas ang SC sa expropriation proceedings ay maari itong ituloy alinsunud na rin sa desisyon ni CA 18th Division Associate Justice Alfredo Ampuan.

Giniit ng MEPC na ang PECO ay nag-o-operate na lang sa ilalim ng provisional Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na nangangahulugan na panandalian na lang ito.

“PECO’s application for the renewal of its franchise has been resoundingly denied. No amount of argument can change these facts. Issuing deceptive statements to influence the perception of the public is an exercise in futility as this will not and cannot alter the established facts on record,” pagtatapos pa ng MEPC.