-- Advertisements --

Nakatakda na umanong pirmahan ng Estados Unidos at Taliban ang peace deal na magsisilbing katapusan sa matagal na panahong gyera na namamagitan sa dalawang bansa.

Nagtipon-tipon ngayong araw ang mga diplomats mula Afghanistan, Amerika, India, Pakistan at ibang myembro ng United Nation kasama ang ilang representate ng Taliban sa Sheraton Hotel Doha, Qatar.

Ito ay matapos hikayatin ni US President Donald Trump ang Afghanistan na maging bukas sa oportunidad ng kapayapaan at bagong pagkakataon para sa kanilang bansa.

Nasa nasabing pagpupulong din si US Secretary of State Mike Pompeo para saksihan ang nturang paglalagda sa Doha habang inaasahan naman na dadalop sa joint declaration si Secretary of Defense Mark Esper kasama ang meymbro ng Afghanistan government sa Kabul.

Sa oras na pormal nang pirmahan ang kasunduan ay sisimula na ng Amerika na pabalikin sa bansa ang nasa 8,600 tropa militar nito.