-- Advertisements --

Kinondena ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) wing na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang 14 araw na suspensiyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programa ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa sa SMNI.

Ayon kay PDP Laban secretary general Aimee Torrefranca-Neri, pag-atake ito sa press freedom.

Kung matatandaan, una ng pinagbantaan ni dating Pangulong Duterte ang buhay ni House Deputy Minority leader France Castro sa naturang programa na nagresulta sa pagsuspendi nito.

Binigyang-diin ni Neri na ang depensa ito ni Duterte sa grave threat complaint na inihain ni Castro sa kanya kung saan inihayag nito na inilalahad lamang ng dating Pangulo ang naging pag-uusap nila ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte, sa episode ng nasabing programa kung saan nagbanta umano ito laban sa mambabatas.

Sianbi din nito na dapat naging maingat ang mtrcb at inantay muna ang findings ng Office of the City Prosecutor sa reklamo ni Castro dahil kasalukuyang pang gumugulong ang kaso.