Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesman C/Supt. Dionardo Carlos na si Police Deputy Director General Ramon Apolinario ang nangungunang contender bilang susunod na PNP chief.
Lumutang ang pangalan ni Apolinario bilang posibleng kapalit ni PNP chief police dir. General Ronald “Bato” Dela Rosa matapos ang Command Conference sa Malacanang kagabi.
Ayon kay Carlos, si Apolinario ang nangingibabaw kung pagbabatayan ang ranggo, seniority, professional accomplishment at competence.
Aniya, sa simula pa lamang ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isa si Apolinario sa tatlong pinagpilian para maging PNP chief kasama si Dela Rosa at si Police Director Rene Aspera.
Pero binigyang-diin ni Carlos na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang makakapagkumpirma kung sino ang magiging susunod na PNP chief.
Si Gen. Bato ay nakatakdang magretiro sa January 21 ng susunod na taon.