-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkalat ng mga electronic cigarettes na naglalaman ng marijuana oil.

Natuklasan lamang ito matapos na makakumpiska ang PDEA ng ilang e-cigaratte at vapes na may laman na marijuana oil.

Dagdag ng PDEA na ang mga ito ay iligal at nagdudulot ng pangamba sa kalusugan.

Dahil dito ay dinoble ng PDEA ang pagbabantay at nakipag-ugnayan na sila sa ibang mga ahensiya para makumpiska at makasuhan ang mga nagbebenta ng nasabing vape at e-cigar na naglalaman ng marijuana oil.