-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakaaresto ng kanilang operatiba sa lungsod ng Taguig nitong Martest ng gabi.
Sinabi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, na mayroon na silang inilunsad na internationl investigation para malaman ang pinakasanhi ng nasabing kaso at mapanagot ang tunay na nasa likod ng pagbebenta ng iligal na droga.
Hindi rin maiwasan ni Lazo na mailabas ang kaniyang pagkadismaya matapos na maaresto ang ilang operatiba nito.
Magugunitang isinagawa ng kapulisan ang drug buy-bust sa loob ng PDEA Southern District-Office na matatagpuan sa Brgy. Upper Bicutan na nagresulta sa pagkaaresto ng kanilang hepe at ilang personahe nito.









