BUTUAN CITY – Magde-deploy ng mga personahe ng K-9 Unit ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa booth sa vicinity ng Datu Lipus Makapandong Democrito O. Plaza Sports Complex kasama ang kanilang mga K-9 o trained narcotics-detection dogs.
Ito’y upang masigurong drug-free ang Palarong Pambansa 2026 at ligtas ang mga delegado mula sa mga ilegal na druga na posibleng ipapalusot ng mga drug personalities.
Ayon kay PDEA-Caraga spokesperson Dindo Abellanosa, layunin nito na visible sila upang may malalapitan ang mga tao sakaling may mamataan silang kaduda-duhaang mga indibidwal na posibleng gagawa ng mga illegal drugs activities.
Sa kanilang booth, may idi-display din silang mga propaganda materials na magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga taong papasok sa kanilang booth may kaugnayan sa ilegal na druga.
Susuportahan din ang kanilang mga personahe sa K-9 Unit ng mga personahe nila sa Agusan del Sur Provincial Office upang matiyak na walang makakapasok na illegal drug activities sa mga playing venues sa buong duration ng national sporting event.
















