-- Advertisements --

Nabatid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mas dumami pa ang bentahan ng ecstasy drugs at marijuana sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng mass gatherings sa iba’t ibang lugar dahil sa coronavirus pandemic.

Sa senate deliberation ng P2.7 billion proposed budget ng ahensya para sa susunod na taon, inamin ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na mas lalo itong naging uso sa panahon ngayon.

Isa sa pinakamalaking nasabat na drugs ng PDEA ang 3,900 ecstasy tablets sa lungsod ng Parañaque noong Agosto 8 na tinatayang nagkakahalaga ng P6.6 million.

Iklawa naman ang 9,471 tablets ng ecstasy na aabot ng P16 million ang halaga na nasabat naman sa Lubao. Pampanga sa parehong araw.

Dagdag pa ni Villanueva na noong Agosto 9 ay P126 million na halaga ng marijuana ang kanila kinumpiska sa Quezon City kung saan inaresto rito ang tatlong suspects.

Dahil dito ay hinikayat ni Villanueva ang publiko na i-report sa kanila kung may bentahan ng droga sa kanilang mga barangay sa pamamagitan ng “Isumbong Mo Kay Wilkins” facebook page.