-- Advertisements --

PDEA-7, mas pinaigting pa ang kampanya laban sa party drugs matapos nakatanggap sila ng mga report kaugnay sa paglaganap nito

Bina-validate na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 ang mga natanggap na ulat na paglaganap ng party drugs gaya ng ecstacy sa mga party venues.

Inihayag pa ni Leia Alcantara, spokesperson ng PDEA-7 na sinisikap ngayon ng ahensiya na paigtingin ang kanilang monitoring sa pagdispose ng party drugs sa Cebu at sa nalalabing bahagi ng Central Visayas.

Ngayon pa umano ang panahon na may papasok at lalabas mula sa isla at Posible pa umanong samantalahin ng mga drug personality ang pagkakataon na may babiyahe at bibisita dito.

Kaugnay nito, naglevel-up sila sa pagsagawa ng mga inspeksyon sa dadagsang pasahero at paalis sa mga daungan at terminal ng rehiyon.

Samantala, sa panig naman ni Police Regional Office-7 Director PBGen Roderick Augustus Alba, pinaalalahanan nito ang mga event organizers na maging mas mapagbantay at makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Matatandaan na noong Hulyo lang ay nakumpiska ang humigit-kumulang 2,000 piraso ng party drugs sa Brgy. Pasil nitong lungsod.