-- Advertisements --

Mag-aalok ng P3-bilyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Universal Health Care (UHC) program sa susunod na taon.

Sinabi ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma, nagpapakita lamang na suportado nila ang nasabing programa ng gobyerno.

Kukunin ang nasabing pondo mula sa 40 porsyento ng kanilang charity fund.

Paglilinaw naman nito magiging limitado na lamang ang pagbibigay nila ng medical assistance at tanging ang mga nangangailangan ng chemotherapy at dialysis ang kanilang pagbibigyan.

Dagdag pa nito na mabibigyan pa ang mga pasyente sa pamamagitan ng kanilang Philippine Health Insurance Corp.