-- Advertisements --
Nais ipasilip ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng Malasakit Centers nito sa bansa.
Nababahala ang kongresista sa posibilidad na nagagamit bilang partisan tool ang Malasakit centers sa halip na magsilbi bilang medical outlet.
Nabatid na P2.8-billion mula sa kabuuang kita ng PCSO ang napupunta sa Indigent Medical Assistance Program, kung saan kasama ang Malasakit Centers.
Ayon kay Lagman, dapat maimbestigahan ito lalo na’t lumulutang ngayon ang impormasyon hinggil sa hindi umano maayos na operasyon at pagsunod sa mandato ng PCSO Malasakit Centers.









