-- Advertisements --

Inilunsad na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bagong Lottery Sytem nila.

Layon nito na maging centralized na ang mga benta ganun din ang pag-generate ng mga winning numbers.

Magiging madali na rin ang pag-validate ng mga winning tickets.

Ayon sa PCSO na kung hindi lang dumaan ang COVID-19 pandemic ay naipatupad na nila ang nasabing mga pagbabago.

Pagtitiyak nila na ito ay sumusunod sa mga security control standard ng World Lottery Association para matiyakang integredad ng nasabing sistema.