-- Advertisements --
Isasagawa ngayong araw ang pagbibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng tulong pinansiyal kay Filipina sprint legend Lydia de Vega.
Pangungunahan nina PCSO Chairperson Junie E. Cua at General Manager Melquiades A. Robles ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa pamilya ni de Vega.
Naunang ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang gabinete na tulungan ang nabanggit na atleta.
Magugunitang humingi ng tulong ang mga kaanak ni De Vega matapos na naging kritikal dahil sa breast cancer.