-- Advertisements --

Nakipagpulong si Vice President Sara Duterte kay Senador Rodante Marcoleta sa opisina nito sa Senado. 

Pasado ala-1:30 ng hapon dumating si VP Sara kung saan sinalubong siya ni Senador Bong Go. 

Umabot ng halos isang oras ang kanilang pag-uusap.

Tumanggi si Duterte na magbigay ng panayam matapos ang kanyang pagbisita at iginiit na siya ay nagmamadali dahil bibiyahe pa patungong Sultan Kudarat. Nakatakda umano siyang bumalik sa Maynila kinabukasan.

Partikular sanang hihingan ng reaksyon si Duterte hinggil sa pagbaba sa puwesto ni dating Speaker Martin Romualdez, ngunit tumanggi siyang magbigay ng pahayag.