-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Justice (DoJ) sa Senado na umakyat na sa P267 billion ang nabawing nakaw na yam ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ang PCGG kasi ay nasa administrative supervision na ng DoJ mula noong 2007.

Sa paghimay sa budget ng komisyon, iniulat ng justice department na maliban sa na-recover na P174-billion cash, mayroon ding P93.8 billion non-cash, kagaya ng stocks.

Nabatid na nagsimula ang function ng PCGG noong 1986, sa bisa ng utos ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Pangunahing trabaho ng nasabing tanggapan na i-recover ang mga nakaw na yaman sa panahon ng rehimeng Marcos.