-- Advertisements --
Agad tumulak ang response team ang Philippine Coast Guard (PCG) sa sumadsad na Chinese dredger sa Botolan, Zambales.
Ang MV Zhong Hai 69 Alfa ay nabalahaw sa Barangay Bangan sa naturang bayan.
Sa inisyal na impormasyon, pinasok ng tubig ang engine room at compartment nito kaya hindi mapagana ng mga crew.
Wala namang nakitang senyales ng pagtagas ng langis mula sa dredger.
Inaalam na rin kung may sapat itong dokumento para makapag-operate sa nabanggit na lugar.