-- Advertisements --
sulu truck2

Kasunod ng pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng siyam na katao at ikinasugat ng mahigit 40, idineklara ngayon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral George Ursabia Jr., ang red alert sa buong southwestern Mindanao kabilang na ang Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-tawi.

Ang mga tauhan ng PCG sa naturang rehiyon ay kasalukuyang tumutulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP sa imbestigasyon sa insidente partikular sa pagtugis sa mga nagsagawa ng pagpapasabog.

Patuloy din ang pagtulong ng tropa sa mga casualties at sinisiguro ang kaligtasan ng mga residente doon laban sa mga susunod pang banta sa seguridad.

Inatasan din ni Ursabia ang PCG K9 units, safety inspectors at patrol boat operators na maging mas mapagmatyag sa pagbabantay sa mga ports, harbors at iba pang waterways sa rehiyon.

Nakahanda naman daw ang ilan pang K9 units ng coast guard para sa deployment kapag hiniling ito ng AFP.