-- Advertisements --

Nagsagawa ng send-off ceremony ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa BRP Teresa Magbanua bilang magiging bahagi ito ng pangalawang trilateral maritime exercises kasama ang United States Coast Guard (USCG) at maging ang Japan Coast Guard (JCG) sa katubigan ng Kagoshima, Japan.

Kasunod ng naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas paiigtingin ng PCG ang kanilang ugnayan at kolaborasyon sa US at Japan Coast Guards sa pamamagitan ng pagsali sa mga joint exercises na gaganapin sa Japan sa unang pagkakataon.

Bago nito ay kinilala ng PCG ang mga naging kontribusyon ng US at Japan sa magpapalakas ng kakayahan ng hukbo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga development programs.

Samantala, sa naging pangalawang pagsasanay naman ay nakita ng PCG na mas lumakas ang kanilang pakikiisa sa ganitong klase ng mga aktibidad at maging sa mas malalim pa na diplomatic relations katuwang ang iba pang coast guard counterparts.

Magugunita naman na unang ginawa ang PCG-USCG-JCG maritime exercises sa katubigan ng Mariveles sa Bataan noong taong 2023.