Nagsagawa ng pre-emptive evacuation operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ilang lugar sa Agno, Pangasinan noong Agosto 29, 2026, bilang paghahanda sa posibleng panganib na dulot ng patuloy na epekto ng southwest moonson o habagat.
Kabilang sa mga isinagawang evacuation ang mga residente mula sa purok Pag-asa sa barangay Poblacion East at sitio San Bruno sa barangay Bangan-Oda.
Sa kabuuan, 9 na pamilya o 25 indibidwal ang matagumpay na nailikas patungo sa mas ligtas na lugar.
Isinagawa ang operasyon bilang agarang hakbang upang maprotektahan ang mga residente mula sa posibleng paglala ng kondisyon ng panahon, kabilang ang pagbaha at iba pang panganib na maaaring idulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon sa PCG, mahalaga ang mabilis na koordinasyon at maagap na pagtugon sa panahon ng mga emergency upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa mga lokal na pamahalaan at disaster response teams upang matukoy ang mga lugar na maaaring mangailangan ng karagdagang assistance o evacuation.















