-- Advertisements --

Magtatalaga ang Philippine Coast Guard (PCG) ng nasa mahigit 25,000 na personnel sa mga pantalan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ngayong kapaskuhan.

Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022 kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno.

Lahat aniya ng mga Coas Guard districts, stations at substations sa buong bansa ay inilagay na rin sa heightened alert mula Disyembre 15 hanggang Enero 7.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu na matitiyak nila ang kaligtasan ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong Holiday season.
Kinausap na rin nila ang mga operator ng barko na tiyakin na ligtas ang mga barko na kanilang ibabiyahe.