Inilabas ng Philippine Coast Guard ang isang dokumento na nagpapatunay na mayroong permit to operate ang oil tanker na MT Princess Empress na lumubog sa may karagatan ng Naujan Oriental Mindoro at nagresulta ng pagtagas ng laman nitong industrial fuel na nakaapekto na sa ecosystem at kabuhayan ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Ito ay salungat sa naging finding ng Maritime Industry Authority na iprinisenta sa isang pagdinig sa Senado.
Ang dokumento ay desisyon ng Marina noong Nobiyembre 16, 2022 na nagpapahintulot sa pag-amyenda ng certificate of public convenience ng mag-ari ng oil tnker para maisama ito sa kanilang fleet. Ang Certificate of Public convenience ay ang permit na inisyu ng Marina para sa mga sasakyang pandagat para sa public use.
Matatandaan na sa Senate inquiry, sinabi ng Marina na walang permit ang MT Princess Empress at hindi doat na payagan na lumayag.
Ayon pa sa Marina siyam na beses ng lumayag ang motor tanker ng walang permit bago pa man nangyari ang insidente noong Pebrero 28 kung saan lumubog ang naturang oil tanker sa may karagatan ng Naujan Oriental Mindoro.